Feeds:
Posts
Comments

In no particular order.

Ms. Paolo – Di ako sure kung Ms. Paolo pa sya ngayun pero dahil natiis nya kakulitan ko lalu na nung 1st year ako.. haha.. Nice adviser for 1st year students.

Mr. Belependio – Pag quizez sa math nun tapos nauna ko natapos irereview nya yung gawa then ibabalik nya sa kin pag may nakita syang mali. haha.. pero pag sa iba di na.. unfair noh? haha..

Mrs. Limboc – Kung way of teaching lang din si Mam Limboc saka si Mam misajon na pipiliin ko. Ewan ko pero para sakin “cool” na teacher si mam Limboc saka sa lahat ng teacher ko nung high school confident akong isa sya sa konti na nakakaalala pa sakin.

Ms. Grencio – salamat sa kanya alam ko na spelling ng “receive”. Best adviser of all. I think most of you will agree. saka nacompliment nya ang essay ko na “I am dreaming of a white christmas”

Medyo bz pa ko.. tuloy ko mamaya..

-sircleor

Paunang bati sa’min ang masikip at tila koral na klasrum sa Tres (o Bicol st.) noong umapak kami sa ikaunang taon sa hayskul. Ito ang mundo ng mga baguhan. Freshman kaya kailangan ng “initiation”. Kung kabilang kayo sa 2002 grads, malamang naranasan nyo ito. Kami ang huling batch na nasalta sa palaruang ito.
Bakit ko nasabing palaruan? Ang first year high school kasi ay maituturing na exploring stage. Parang wala pang masyadong pressure na magkamali kasi hindi pa gaano mahigpit ang mga teachers… o sabihin na nating nag-uumpisa pa lang silang maghigpit? O talaga lang hindi sensitibo ang mga mag-aaral sa katarayan ng mga guro sa ikaunang taon. Mantakin mong pandilatan ka ng mga mata ni Miss April Cunanan (‘Love you and miss you,Ma’am), aba, anlakas ng loob mo.
Sa mga napadpad na sa Tres bago umapak sa TUNAY na paaralan sa Molave, maliit pa rin ang mundo ngunit higit na kaiga-gaya dahil parang nailagay lang kami sa isang incubator dahil di pa maaring isabak sa mundo, masyado pang sensitibo at “premature” pa.  Sa pangangalaga ng mga mahuhusay naming guro sa first year, sa tingin ko, ganap na sanggol kaming nailuwal mula sa Tres. Ganap nga ba? Abangan ang mga susunod na istorya.

Pathways to the Past…

This is the best I could say to describe this small web space for all JCMPHS, PHS, and LHSPA alumni. Long live the memories of our beloved school!

Patungo sa Nakaraan…

Ang maliit na espasyong ito sa web ay para sa lahat ng naging mag-aaral ng JCMPHS, PHS, at LHSPA. Mabuhay ang mga alaala ng ating mahal na paaralan!